Mga Sakunang Paglalayag-Pangkaragatan Na May Kinalaman Sa:
Ang Stacey & Jacobsen, PLLC ay kinikilala bilang isa sa pinaka may-karanasang ahensya ng abogasya pagdating sa personal na pinsalang paglalayag-pangkaragatan. Ang mga abugado namin ay kumatawan sa mga biktima ng pinsala sa Alaska, Washington, at Oregon sa higit na 20 taon. Ang mga taong kinakatawan namin ay may karanasan, kasanayan at tibay. Alam nila ang kahulugan ng sipag at hindi sila natatakot na suungin ang panganib. Inaasahan din nila ang parehong katangian sa kanilang mga abogado.
Kapag kunin mo Stacey & Jacobsen, PLLC, hindi ka lang kumukuha ng isang abogado, kumukuha ka ng isang ahensya ng abogasyang paglalayag-pangkaragatan na may maraming taon ng pinagsama-samang karanasan na mahirap tapatan. Nakahawak na kami ng libo-libong kaso ng paghabol sa danyos perwisyo sa ilalim ng Jones Act at mga pinsalang paglalayag-pangkaragatan, mula sa malaki hanggang sa maliit. Nagmumula sa lahat ng panig ng bansa ang mga kliyente namin.
Ang mga abogadong paglalayag-pangkaragatan sa Jacobsen, PLLC ay nakakaunawa ng inyong trabaho, mga pinsala sa trabaho, at kung paano iyon nakakaapekto sa inyong buhay. Paulit-ulit na naming napatunayan na may kakayahan kaming makakuha ng makatarungan at buong kabayaran para sa aming mga kliyenteng napinsala dahil sa kapabayaan o kawalan ng katatagan sa dagat. Alam namin ang mga dahilan ng mga aksidente habang sakay ng mga pangisdang bangka, panghila, garbara, barko at lantsa. Sa maraming taon ng karanasan, batid namin kung paano sanang naiwasan ang mga ganoong uri ng sakuna.
Ipinagmamalaki namin ang aming kasaysayan ng matagumpay na pagkatawan sa mga taong napinsala dahil sa kapabayaan at kawalan ng katatagang pangdagat. Ang Stacey & Jacobsen, LLC ay dati nang kumatawan sa mga prominenteng kasong humantong sa maling kamatayan katulad ng sa Alaska Ranger, Arctic Rose, Katmai, Aleutian Enterprise, Lee III at marami pang iba.
Sa una mo pa lang na pakikipagtagpo sa abogado sa Stacey & Jacobsen, PLLC, iisa lang ang pokus – ang maipanalo ang iyong kaso.Paggamit sa Pinakabagong Pamamaraan at Taktika sa Paglilitis
Ang pagtatrabaho sa karagatan ay isa sa mga pinakamapanganib na trabaho sa mundo. Minsan, ang mga tripulanteng nagtatrabaho kahit sa pinakamahusay na sasakyang pagkaragatan ay nagdurusa pa rin ng permanente at nakababaldang pinsala. Kapag nangyayari ang ganitong aksidente, kailangan nila ng mga may karanasang abogadong paglalakbay-pangkaragatan upang tulungan sila.
Paghahabol sa Pinsala sa Ilalim ng Jones ActAng mga abogado namin ay kumatawan na sa libo-libong seaman na napinsala dahil sa kapabayaan at kawalan ng katatagang pangdagat. Kung ikaw ay napinsala, kailangan mo ng isang may karanasang abogadong paglalayag-pangkaragatan sa iyong tabi. Halos lahat ng aksidente sa karagatan ay naiiwasan sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na pamamaraang pangkaligtasan. Nakabawi na kami ng milyon-milyong dolyar na danyos perwisyo sa ilalim ng Jones Act at ipinagmamalaki namin ang pagkakamit ng makatarungang kabayaran sa aming mga kliyente. Kung hindi ka inaalok ng makatarungang kabayaran, handa kaming dalhin ang iyong kaso sa paglilitis.
Paghahabol sa Maling Pagkamatay sa Paglalayag-PangkaragatanAng mga abogado namin ay kabilang sa mga pinaka may-karanasang abogado sa bansa sa pag-asikaso sa paghahabol sa maling pagkamatay sa paglalayag- pangkaragatan. Ang paghahabol dahil sa maling pagkamatay sa paglalayag-pagkaragatan ay isa sa mga pinakamabusisi at maabalang habulin sa lahat ng kasong personal na pinsalang paglalayag-pangkaragatan. Nasa amin ang pagdamay, pagtutok, kakayahan at kaalaman para mabawi ang makatarungang kabayaran para sa mga pamilyang naulila sa paglalayag-pangkaragatan. Ang ahensiya ay humawak na ng higit sa 50 kaso ng paghabol sa maling pagkamatay sa paglalayag-pangkaragatan, pati na rin ang paghabol sa kasong kinasasangkutan ng mga paglubog ng bangkang pangisda at panghatak , kapabayaan sa atensyong medikal sa karagatan, pagbitbit ng mga kargamento, pagkasira ng mga kagamitan at makinarya, at mga sunog at pagsabog. Ang mga praktikal na karanasan sa mga pangyayaring ito, dala ng maraming taon ng litigasyon, ay mahalaga kapag kailangan ang tulong matapos ang isang miyembro ng pamilya ay masawi sa karagatan.
Pagpapagaling at LunasSa ilalim ng General Maritime Law, kung ikaw ay napinsala habang nagtatrabaho sa karagatan, ikaw ay may karapatan sa pagpapalakas at lunas hanggang maabot mo ang pinakamataas na antas ng paggaling-medikal. Nasa iyo ang karapatang piliin ang sarili mong manggagamot.
Nais naming puntahan ng mga kliyente namin ang mga pinakamahusay na manggagamot upang maseguro na malalampasan nila ang kanilang mga pinsala hangga’t makakaya. Ngunit, kapag ang tripolante ay magtamo ng permanenteng pinsala at pagkabalda, karapat-dapat silang tumanggap ng buong kabayaran.
Si Joseph S. Stacey ay higit sa 30 taon nang abodago ng pinsalang paglalakbay-pangkaragatan. Si Stacey ay may napatunayan na sa epektibong pagkakatawan sa mga biktima ng pinsalang paglalayag-pangkaragatan. Ang kanyang sipag at dedikasyon sa kanyang mga kliyente ay namunga na ng pambihirang resulta. Isang may karanasang abogado, naipanalo niya ang mga hatol ng hukuman at kasunduan sa Alaska, Washington, Oregon, at Massachusetts na aabot sa milyon-milyong dolyar. Mula noong 1996, ipinokus ni Stacey ang kanyang pagsasanay bilang abogado sa pagkakatawan sa mga biktima ng paglalayag-pangkaragatan. Ang nakaraan ni Stacey ay nagbibigay sa kanya ng walang katulad na kaalaman sa paghawak ng mga kasong pinsalang paglalayag-pangkaragatan. Nagsimula siya sa karera bilang attorney law clerk para sa senior admiralty judge sa United States District Court for the Western District of Washington. Pagkatapos, nagtrabaho siya para sa isa sa pinakamalaki at pinakamatandang ahensya ng abogasya para sa depensa ng paseguro sa paglalakbay-pangkaragatan sa West Coast. Ang pagkaunawa at kaalaman ni Stacey kung paano ipaglaban ang mga kasong pinsalang paglalakbay-pangkaragatan ay isa nang kritikal na kasangkapan upang magkamit ng tagumpay para sa kanyang mga kliyenteng napinsala. Si Stacey ay lisensyadong magsanay ng abogasya sa Washington, Oregon, at Alaska.
Si James P. Jacobsen ay isang may karanasan at alistong abogado sa paglilitis. Matagumpay niyang nahawakan ang daan-daang kaso ng pinsalang paglalakbay-pangkaragatan at kaso ng personal na pinsala sa ilalim ng Jones Act sa Alaska, Oregon, Washington, California at Massachusetts. Ang kahusayan ni Jacobsen bilang tagapagtanggol ng kanyang mga kliyente ay napapatunayan ng kanyang mga naging resulta. Naipanalo na niya ang maraming hatol at kasunduan na umabot sa milyon-milyong dolyar at siya ay nakatuon sa pagkamit ng makatarungang kabayaran para sa kanyang mga kliyente. Bago nag-aral ng abogasya, nagtrabaho si Jacobsen bilang longshoreman at deckhand sa mga bangkang pangisda at panghatak sa Alaska. Pagkatapos ng abogasya, nagsimula ang kanyang karera bilang Federal Law Clerk para kay Judge Beloni sa Oregon, pagkatapos, nagtrabaho siya bilang Assistant United States Attorney sa Washington, D.C. sa admiralty section bago tumungo sa pribadong pagsasanay. Sa higit sa 20 taon, kumakatawan siya sa mga biktima ng pinsalang paglalayag-pangkaragatan sa paghahabol sa mga kasong humantong sa maling pagkamatay at personal na pinsala. Lisensyado siyang magsanay ng abogasya sa Washington at Alaska.